« GO BACK

Meron Bang Tayo, Bes?

posted on 03 Feb 2017 | 08:18 PM.
Meron Bang Tayo, Bes?

February 27, 2017

Siguro hindi niyo po ito nababalitaan, dahil nga naman hindi ko pa naku-kwento! Hahahaha! But here is what happened:

Yes, naka-amin na ako kay Mai-mai, at yes, pumayag siyang ligawan ko siya. 

Ang saya ko talaga ngayon. Oo, hindi pa kami, pero para mabigyan ng chance na patunayan ko kay Mai-mai 'yung importance niya sa akin hindi lang bilang best friend kundi bilang lalaking nagmamahal sa kaniya, ang saya talaga.

Napalitan na ng saya 'yung kaba sa loob ko. Sobrang gumaan 'yung loob ko, na kahit hindi ako sigurado sa isasagot niya sa'kin eventually, walang regrets. Kasi gagawin ko lahat ng alam kong paraan para ipakita 'yung pagmamahal ko sa kaniya. Hirap 'pag tinamaan; pero mas mahirap kapag tinamaan ka tapos hahayaan mo lang 'yung feelings mo. 

Oo, nag-yes na siya para maligawan siya, pero hindi pa ito 'yung ending ng kwento. Simula pa lang ito uli ng emotional rollercoaster, kaya abangan niyo pa rin ang mangyayari! :) 


February 24, 2017

Hindi ko alam kung nakalunok ba ako ng speaker habag natutulog ako isang gabi…

Paano, wala na akong marinig kundi ‘yung tibok ng puso ko. Kung joke ‘to, ang corny, kaso hindi, naririnig ko talaga ‘yung heart beat ko. LITERAL.

Ganito ba feeling ng housemates tuwing eviction night? Naiintindihan pa ba nila si Toni Gonzaga? Heart beat na lang ba nila ‘yung naririnig nila tapos tumatango-tango na lang sila?

So alam kong nalilito na kayo sa pinagsasabi ko, ike-kwento ko na lang in the shortest but most impactful way na alam ko – in bullet form.

  • Inaya ko ng “date” si Mai-mai.
  • Hindi niya alam na date ‘to.
  • Ang alam niya lang, #KVIP lang kami sa Premiere Night ng LizQuen movie.
  • And most importantly,
  • AAMIN NA AKO.

Bumili na ako ng flowers, ng teddy bear, kabisado ko na ‘yung sasabihin ko (sana hindi ako kabahan), hinanda ko na ‘yung susuotin ko…hinanda ko na ‘yung sarili ko.

Isa lang hiling ko sa mga makakabasa nito: WISH ME LUCK. 


February 20, 2016

Alam kong puro si Mai-mai ang dinadaldal ko dito sa blog na ito at mukhang isa lang ang kaibigan ko sa buhay ko, pero may bagong set of fun facts na naman ako para sa inyo! Here they are once again:

  • May barkada pa ako (hindi lang halata).
  • Vladimir Nabokov nearly invented the smiley. La lang, share lang.
  • From my last update, they tried their best para mabigyan ako ng mga kapaki-pakinabang at makabuluhang payo para naman maka-damoves ako kay Mai-mai. Napapagod na daw sila sa kupad ko.
  • Masakit ‘yung opinion nila pero parang totoo naman.

Ito nga pala sila:

                 1487589527_abs-cbnmobile-onyx-entry-feb-20

Actually, may isa pa kaming ka-barkada, si Bin-bin. Kaso, madaming fans ‘yun eh. Next time na daw siya papakilala. 


February 18, 2017

Ang pag-ibig parang reply lang ng customer service ‘yan eh…kapag hindi okay ‘yung una mong subok, PLEASE TRY AGAIN.

Kaya naman I’ll be pleased to try again. Ito na 'yun! Sana... #DateOfTheCentury #HindiYungTunaHa #KVIPngPusoMo

February 15, 2017

Hay, hanep, hindi ko pa rin ma-explain ang feelings ko dahil sa reply ni Mai-mai na may lakad siya on VALENTINE'S DAY. 

Gusto kong i-bullet point ang feelings ko para clear. Here they are:

  • Bawal akong magalit na may lakad siya. Bakit nga naman? Eh, BES lang ako.
  • Hindi ako pwedeng mag-selos. Bakit nga naman? Eh, BES lang ako.
  • Hindi ako pwedeng mag-selos, 2.5, dahil hindi rin naman ako umaamin.
  • PERO SINONG KASAMA NIYA?
  • SINONG KASAMA NIYA?
  • SINO BA KASI ‘YON?
  • Kailangan talaga Valentine’s ang lakad? Traffic kaya kahapon. 

February 14, 2017 

Hindi ko gets...


February 13, 2017 

So…sa kalagitnaan ng chill na kwentuhan naming ni Mai-mai, ito. ITO ANG SASABIHIN NIYA:

1486380223_abs-cbnmobile-onyx-entry-3

FUN FACT: Valentine’s na bukas! 

MAS FUN FACT: Hindi pa ako prepared. Paano kaka-isip ko tungkol sa kaniya, nakalimutan ko na pati Valentine’s day. 

Pero kailangan kong maging prepared. PERFECT NA DATE NA ITO PARA UMAMIN. Valentine’s Day. Romantic. Perfect. 

1486380223_abs-cbnmobile-onyx-entry-3

Ayoko ring mag-overthink pero bakit niya ako ina-update na Valentine’s? Nagpaparinig ba siya? Gusto niya bang i-date ko siya? Or or or…napa-praning lang talaga ako? I think tama ‘yung last choice. Ah basta laban na ‘to, ayain ko siya kasi kung hindi ngayon, KAILAN? So, G na!

1:55 PM - February 13, 2017 

Please explain to me kung paano ka hindi mai-in-love sa best friend mo kung sobrang sweet niya? Hay, ewan ko ba sa’yo Mai-mai! Tingnan niyo naman kasi, araw-araw ha, may pa-good morning siya. 

1486380223_abs-cbnmobile-onyx-entry-3


February 12, 2017

Nagkita kami kahapon pero bes tablado na naman! Pero okay lang, ‘wag mauubusan ng pag-asa! May mga chance pa umamin! The more tries, the more chances of winning!

….okay na ‘to for now, kesa naman forever bes ‘diba? Wahehehehehe! 


February 11, 2017


6:42 PM - February 10, 2017

Ang weird. Simula n’ong sinabi ko sa sarili kong aamin na ako, kinakabahan nako madalas kahit tatawag lang siya. Eh lagi niya naman akong tinawagan kasi nga ako si BES. Magkikita kami bukas at sobrang hindi ko gets bakit ‘yung kaba ko abot Batanes ata. Partida sa sarili ko pa lang ‘to sinasabi ha. Baka naman magpira-piraso ako kapag umamin ako sa kaniya?

Hindi! Focus lang me, Kalma lang me. It will be me.

1486380223_abs-cbnmobile-onyx-entry-3


2:28 PM - February 10, 2017

Good to know naman na hindi ako nag-iisa sa laban ng buhay na ito at nagtatago ng feelings sa best friend. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAARAYANGSAKITHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

So alam na, ‘wag muna o-order ng 2-pc spicy chicken with extra rice at upgrade to pineapple juice. Deliks.

Doon tayo sa burger with post it. Kahit tipid, forever ang balik! Wahahahahahaha!


6:55 PM - February 9, 2017

Magkikita kami ni Mai-mai sa Sabado. Movie marathon lang naman like what we usually do, pero I'm so excited and I just can't hide it! 

So ito ang tanong ko: BAKIT ANG TAGAL NG WEEKEND? Please explain in 4 paragraphs. BAKIT ANG TAGAL MAG-SABADO? 

1486380223_abs-cbnmobile-onyx-entry-3


6:57 PM, February 8, 2017

Akala ko tapos na nung isang araw 'yung pagda-drama ko dahil doon sa eksena ng MayWard, eh practice lang pala nila ‘yon. So nakita ko sa commercial na UULITIN NA NAMAN PALA NILA. Homaygad.

Actually, na-miss ko ‘yung episode kagabi ng PBB. Una, happy nga ako kasi hindi ko nanapanood at hindi na ako nasaktan sa eksena ng MayWard.

Pero, hindi ko mapigilan ‘yung sarili at curiosity ko sa eksena nila. Kasi naman tunog ng tunog sa utak ko ‘yung “MAYMAY, MAI-MAI”, “MAYMAY, MAI-MAI”, “MAYMAY, MAI-MAI”, “MAYMAY, MAI-MAI.” Bakit ba kasi sila magka-pangalan?

Ano ba ito? Destined parinig? Hahaha! Syempre hindi.

So ayun, binalikan ko pa talaga 'yung episode bilang pauwi na ako. Talaga naman ang tao oh, kahit alam ng masasaktan, gagawin pa rin! Hahahaha! 

1486380223_abs-cbnmobile-onyx-entry-3

Ang main takeaway ko talaga dito hindi ko na dapat paabutin ‘yung kwento namin sa ganitong eksena. Kasi kung makakahanap ng “the one” ‘yung best friend ko, eh “THAT SHOULD BE ME”.  

On a lighter note, kung loveteam kaya kami ‘no ano tawag sa’min? OMai? Luh, pangit. MaiOn? Pilit. Hmmm…MaiNyx? Parang pwede! Hahahahaha!


February 6, 2017

‘Yung may pinag-daaanan ka na nga at manonood ka na lang ng TV para makalimot, sasabay pa ‘yung MayWard sa eksena nila.

Ang eksena si Maymay, with a Y, nagka-boyfriend. Tapos si Edward, best friend niya, siyempre nasaktan. I mean wala namang boyfriend ang best friend kong si Mai-mai. Pero kasi, pareho sila ng pangalan at naisip ko paano kung nagka-boyfriend si Mai-mai, tapos hindi ako. Big Brother, may kasalanan ba ako sa’yo? Parang pine-personal mo ako eh! Joke lang, Kuya! :P (Pero aray pa rin). ‘Diba kinwento ko talaga, kasi naman itong pakulo ng MayWard eh.

Grabe naman kasi ‘yung, “It’s not him. That should be me.”

Hay, Mai-mai, iniipon ko na talaga ang lakas ng loob ko, makaka-amin rin ako. Hindi ko magiging linya ang, “that should be me” dahil… IT WILL BE ME. #LabanForLove

1472224016_abscbnmobile-dolceamore-yourlove6


February 3, 2017

Hi, ako si Onyx. 23, nagta-trabaho, single - overall, chill lang ako bukod sa isang bagay: sa pag-ibig.

1472224016_abscbnmobile-dolceamore-yourlove6

Oo, single ako pero may mahal ako, patago nga lang. Paano best friend ko siya at kasabay kong lumaki. Bata pa lang ako crush ko na siya, kaso hindi ko naman masabi dahil nga “BES” lang kami at hindi “BEH” with heart on the side.  Ang tagal ko nang tinatago ‘to. At dahil February na, plano ko na sanang umamin. PERO HOW WHEN WHERE WHAT WHY?????

Ito nga pala ‘yung best friend ko. Siya si Mai-mai…ang ganda niya ‘no? 

1472224016_abscbnmobile-dolceamore-yourlove6

And this is our story:

Kapamilya Box Office