FAQ

This FAQ is designed to be helpful in raising awareness about ABS-CBNmobile and the use of our licenses and other tools.

Image

Privacy Policy

What is ABS-CBNmobile?

Ang ABS-CBNmobile ay ang prepaid SIM ng ABS-CBN. Gamit ang ABS-CBNmobile Prepaid SIM card, pwede kayong mag-call, text at internet. Pwede rin kayong manood ng ABS-CBN shows, movies at exclusive videos sa iWant TV app. 

Paano i-activate ang ABS-CBNmobile PREPAID SIM?

1.    Ipasok ang ABS-CBNmobile SIM sa iyong ABS-CBNmobile phone/tablet at pindutin ang power
2.    Connect to mobile internet or send a text para ma-activate ang SIM. 
3.    I-download ang iWant TV app sa Google Play Store or App Store. 
4.    I-register ang iyong ABS-CBNmobile sa iWant TV to enjoy the full library of Kapamilya shows and movies 

Paano i-download ang iWant TV? 

Sa ABS-CBNmobile Prepaid SIM, pwede kang manood ng Kapamilya shows at movies sa iyong smartphone gamit ang iWant TV app. 

Step 1. I-download ang iWant TV app sa Google Play Store or App Store
Step 2. I-open ang iWant TV app at piliin ang show na gustong panoorin. 
Step 3. Piliin ang register
Step 4. Simulan nang mag-register sa iWant TV. 
Step 5. Makakatanggap ka ng confirmation code sa text message. 
Step 6. I-type ang ABS-CBNmobile number at confirmation code. Click Confirm My Mobile Number. 
Step 7. I-enter your registered ABS-CBNmobile number and password to log-in. 
Step 8. Now, you’re ready to watch your favorite Kapamilya shows and movies. 


Ano ang mga services na ino-offer?

Bukod sa call, text at internet service, bibigyan din ng ABS-CBNmobile ng exclusive na access sa services at content ang mga subscribers na mapanood ang kanilang favorite ABS-CBN shows sa kanilang mobile devices on demand at on the go.

Dial *128# para malaman ang full list of special promo loads. 

Paano mag-check ng balance?

Para ma-check ang balance, i-text lang ang BAL sa 2130. Ito ay free of charge.

Paano ba mag-avail ng Special Promo Load?

Para mag-avail ng Special Promo Load, kailangan munang mag-convert ng iyong regular load sa kahit anong Special Promo Load offer.
Para mag-convert ng regular load, i-text lang ang KEYWORD ng Special Promo Load na gusto mo sa 2135.

Ex. Text KSURF20 and send to 2135 para i-convert ang P25 of your regular load to to Kapamilya Surf 20.

Kailangan ko ba ng maintaining balance para maka-avail ng Special Promo Load?

Hindi, hindi mo na kailangan ng maintaining balance para maka-avail ng Special Promo Load.

Anong mangyayari kapag nag-expire na ang Special Promo Load at itinuloy ko pa rin mag-surf ng internet, tumawag at mag-text?

Kung nag-expire na ang iyong Special Promo Load at ipinagpatuloy mo pa rin ang pag-surf sa internet, pagtawag at text, ito ay mababawas sa iyong regular load pero macha-charge ka ng regular na rate. ​Regular Rates:
Surfing the Internet - P1 for 1MB 
Calls to ABS-CBNmobile - P1 for 1 minute * 
Calls to ALL networks and landlines - P6.50 per minute 
Texts to ALL networks - P1 per 160-character message

Pwede ko ba i-Share Load ang Special Promo Load sa ibang tao?
Hindi, pwede ka lang mag-share ng regular load sa ibang tao.

Paano ba nagwo-work ang MB?

Ang MB o megabyte ay ginagamit para masukat ang iyong internet activity. Ang ibig sabihin ng MB-based na paggamit ng internet ay macha-charge ka lang sa kung ano ang ginamit mo.
For example, ang 15 minutes ng browsing on Facebook (gaya ng pag-post ng comment) ay estimated na katumbas ng 5MB habang ang pagnood ng video for 15 minutes ay estimated na katumbas ng 10-15MB.

Anong mangyayari kapag naubos ko na ang Special Promo Load ko bago mag-expire at itinuloy ko pa rin mag-surf ng internet, tumawag at mag-text?

Kung nag-expire na ang iyong Special Promo Load at ipinagpatuloy mo pa rin ang pag-surf sa internet, pagtawag at text, ito ay mababawas sa iyong regular load pero macha-charge ka ng regular na rate. I-note lamang na hindi ka makakatanggap ng notification na naubos mo na ang iyong Special Promo Load. Regular Rates:
Surfing the Internet - P1 for 1MB
Calls to ABS-CBNmobile - P1 for 1 minute *
Calls to ALL networks and landlines - P6.50 per minute
Texts to ALL networks - P1 per 160-character message

What is ABS-CBNmobile Postpaid?

ABS-CBNmobile Postpaid is your key to everything ABS-CBN while enjoying basic communication services such as calls, texts and data.

With your ABS-CBNmobile Postpaid plan, you can enjoy full access to iWant TV so you can watch your favorite Kapamilya shows anytime, anywhere. You also get the full Kapamilya experience when you register to KVIP. Upon registration, you get a chance to watch your favorite shows live or meet your Kapamilya Stars up close and personal. 

On top of all these, you also get unlimited calls to ABS-CBN subscribers, unlimited texts to all networks and access to all the apps and sites you want to go to  wherever you are in the country with a high speed LTE SIM. 

Ano ang mga ABS-CBNmobile Postpaid Plans?

Bida Ka Plan

Bida ka sa kwentong walang ending with your iWant TV access and free MB for internet surfing!

PLAN 499
Internet 2 GB
iWant TV 200MB*
SMS UNLIMITED to ABS-CBNmobile
Calls UNLIMITED to ABS-CBNmobile
Lock-in Period 12 months

Kapamilya Plans

Get up to 5 Postpaid Lines and enjoy unlimited calls & texts!

PLAN 349 PLAN 499 PLAN 999
1 Postpaid line 2 Postpaid lines 5 Postpaid lines
SMS UNLIMITED to ALL networks
Calls UNLIMITED to ABS-CBNmobile
iWant TV Premium access*
Device Free Samsung Keystone/line
Lock-in Period 12 months

*Watch any movie/show/exclusive via iWant TV. Internet charges apply. 

Unlimited service is subject to Fair Use Policy

PLAN Inclusions
Postpaid Plan 499    

Unlimited calls to landline within the same home zone. 

Unlimited calls to ABS-CBNmobile landline numbers within the same homezone

Postpaid Plan 599    

Unlimited calls and texts to ABS-CBNmobile 

Unlimited calls to landline within the same home zone. 

Unlimited calls to ABS-CBNmobile landline numbers within the same homezone

    *Minimum speeds of 12kbps with 80% network reliability


MHP Toll Rates:

Internet P1/MB
Calls to Landline NDD, other Network P5.50/min
Calls to ABS-CBNmobile P1/min
Calls to Mobile, other Network P5.50/min
Text to ABS-CBNmobile P0.50/text
Text to Mobile, other Network P0.50/text
International Text P10.00 or P15.00/text
IDD Call (top 3 Countries: Canada, USA, China) US$ 0.10/min

Note: Rates are VAT & OCT (Overseas Communication Tax) inclusive.

MHP Share Load:
Text 11-digit mobile # <space> amount (P1-500) and send to 2132. Example: 09371111111 50
Note: P1 per Share Load transaction

My phone has no signal
•    Turn off mobile phone then remove SIM & battery for 30 seconds.
•    Insert them back & check if mobile phone has signal already.
•    If you still don't have a signal, insert SIM into another mobile phone and check again.
•    If you still don't have a signal, your SIM may be defective & subject for replacement.
•    If with signal, your mobile phone may be defective & have the phone checked at an authorized service center.
•    Walang signal ang phone ko.
•    I-turn off ang phone at tanggalin ang SIM at battery for 30 seconds.
•    Ibalik ang SIM at battery at i-check kung may signal na ang phone
•    Kung wala pa ring signal, ilagay ang SIM sa ibang phone
•    Kung wala pa ring signal, maaaring defective ang iyong SIM o kaya naman ay ipa-check ang iyong phone sa authorized service center

Hindi ako maka-send ng SMS
•    Check if phone has signal.
•    Check phone settings, Call Barring, Call Forward and Airplane or Flight mode should be deactivated.
•    Check load balance if has enough to send SMS.
•    If has enough, turn off phone & turn on again after 30 seconds.
•    If still can't send, insert SIM into another mobile phone.
•    If able to send using a different phone, have the phone checked at an authorized service center.
•    If not able to send, your SIM may be defective & subject for replacement.
•    Hindi ako maka-send ng SMS
•    I-check kung may signal ang phone
•    I-check ang phone settings, dapat naka-deactivate ang Call Barring, Call Forward and Airplane or Flight mode
•    I-check ang load balance kung sapat para maka-send ng SMS
•    Kung sapat, i-turn off ang phone at tanggalin ang SIM at battery. Ibalik ang SIM at battery after 30 seconds.
•    Kung hindi pa rin maka-send, ilagay ang SIM sa ibang phone
•    Kung nakaka-send gamit ang ibang phone, ipa-check ang iyong phone sa authorized service center
•    Kung hindi pa rin maka-send, maaaring defective ang iyong SIM at kailangan ng palitan.


Hindi ako maka-receive ng SMS
•    I-check kung may signal ang phone
•    I-check ang inbox kung puno na. Kung ito ay puna na, mag-delete ng mga messages.
•    I-check kung ang sender ay nag-text sa tamang number
•    I-check ang phone settings, dapat naka-deactivate ang Call Barring, Call Forward and Airplane or Flight mode
•    Kung hindi pa rin maka-send, i-turn off ang phone at i-turn on again after ng 30 seconds.
•    Kung hindi pa rin maka-send, ilagay ang SIM sa ibang phone
•    Kung nakaka-send gamit ang ibang phone, ipa-check ang iyong phone sa authorized service center
•    Kung hindi pa rin maka-send, maaaring defective ang iyong SIM at kailangan ng palitan.

Hindi ako makatawag
•    I-check ang phone settings, dapat naka-deactivate ang Call Barring, Call Forward and Airplane or Flight mode
•    I-check kung may signal ang phone
•    Kung walang signal, i-turn off ang phone at tanggalin ang SIM at battery for 30 seconds.
•    Ibalik ang SIM at battery at i-check kung may signal na ang phone
•    Kung wala pa rin signal, ilagay ang SIM sa ibang phone at i-check
•    Kung wala pa rin signal, maaaring defective ang iyong SIM o kaya naman ay ipa-check ang iyong phone sa authorized service center
•    I-check kung may sapat na load para sa tawag

Hindi ako matawagan
•    I-check kung may signal ang phone
•    Kung may signal, i-check kung may enough balance para sa tawag
•    Kung walang signal, i-turn off ang phone at i-turn on again after ng 30 seconds.
•    I-check ang phone settings, dapat naka-deactivate ang Call Barring, Call Forward at Airplane o Flight mode
•    Kung wala pa rin signal, ilagay ang SIM sa ibang phone
•    Kung nakakatawag gamit ang ibang phone, ipa-check ang iyong phone sa authorized service center
•    Kung hindi pa rin makatawag, maaaring defective ang iyong SIM at kailangan ng palitan.

Hindi ako maka-konek sa internet
•    I-check kung may signal ang phone
•    Kung may signal, dapat ay may enough load balance para maka-connect sa internet
•    Kung walang signal, i-turn off ang phone at i-turn on again after ng 30 seconds.
•    I-check kung ang phone mo ay may tamang settings para makapag-internet
•    Kung wala pa rin signal, ilagay ang SIM sa ibang phone
•    Kung naka-connect gamit ang ibang phone, ipa-check ang iyong phone sa authorized service center
•    Kung hindi pa rin maka-connect, maaaring defective ang iyong SIM at kailangan ng palitan.
 



Paano mag-set-up ng mobile internet settings sa aking device?
Kapamilya, maipapadala ang iyong mobile internet settings sa loob ng 24 oras. Kung hindi pa ito natatanggap, pwedeng ipasok ang settings manually sa iyong device:

Para sa Android:
1. Pumunta sa Settings > Wireless and Networks >More Settings > Access Point Names >New APN
2. Ipasok ang mga details na ito:
Name: ABS-CBN Internet
APN: internet.abs-cbn.com.ph

Para sa iPhone/iPad:
1. Pumunta sa Settings > General > Cellular > Cellular Data Network
2. I-type ang internet.abs-cbn.com.ph sa APN Settings
Pwede ring mag-text ng GO sa 2695 para makuha ang mobile internet settings.

Saan ko pwedeng ipadala ang aking mga comments at feedback?
Pwede mong ipadala ang iyong comments at feedback sa aming email address sa customercare@abscbnmobile.com o kaya ay tawagan mo kami sa aming hotline sa 266-7878.

Bakit may Fair Use Policy?
Ang ABS-CBNmobile Fair Use Policy para sa Prepaid Services ay ginawa para maiwasan ang malakas at mapang-abuso na pag-gamit ng UNLI services ng iilang users na maaaring kumunsumo ng malaking parte ng aming network capacity. Dahil sa malakas at mapang-abuso na pag-gamit ng iilang subscribers na ito, maaaring magkaroon ng slow-down o network congestion na makakaapekto sa service quality ng karamihan ng mga subscribers.
Para maibigay namin ang high quality at patas na service sa lahat ng subscribers na gumagamit ng aming Unli services, ipinapatupad naming ang Fair Use Policy. This is subject to change without prior notice.

Ano ang maximum bilang ng SMS or text messages a day for any unli text promo?
Ang maximum na bilang ng text messages para sa isang UNLI text promo ay 700 SMS or text messages kada araw.

Ano ang mangyayari kapag hindi ako naka-register sa kahit anong UNLI text promo at lumampas ako sa 700 SMS limit?
Ang 700 SMS limit ng Fair Use Policy ay hindi applicable sa iyo kapag hindi ka naka-register sa kahit anong Unli text promo, tulad ng KTANU10 KTAN5, KTAN15 UNLITEXT10, and KUC15.

Ano ang mangyayari kapag lumampas ako ng 700 SMS limit habang naka-register sa isang Unli text promo?
Kapag naka-register kayo sa isang Unli text promo tulad ng KTANU10 KTAN5, KTAN15 UNLITEXT10, and KUC15, at lumampas kayo sa 700 SMS limit ay hindi na po kayo makaka-send ng text message. Makakatanggap rin ng SMS notification na you have reached your SMS limit for the day. Pero, ang SMS sending sa access codes ay gagana pa rin, tulad ng SMS sa 2130 for balance inquiry, 2135 for promo reg/status inquiry, 2137 for customer care. Para naman sa premium services tulad ng 2132 for share load, 2131, 2366, at 2331, regular rates will apply.
Makakapag-send ulit ng SMS pagpatak ng 12:01am sa susunod na araw, kapag valid pa ang iyong Unli text promo.

Will I be charged a regular SMS rate on my regular load kapag lumampas sa limit?
Kapag lumampas sa limit, hindi ka macha-charge automatically sa iyong regular load dahil hindi ka na maaaring mag-send ng text messages.

When will my outgoing SMS service resume?
Your outgoing SMS service will resume after 12 midnight or by 12:01 am the following day.
For other inquiries, please call (02) 266-7878.

Kailan ulit ako makakapag-send ng SMS?
Makakapag-send ulit ng SMS pagkatapos ng hatinggabi o pagpatak ng 12:01am sa susunod na araw.
For other inquiries, please call (02) 266-7878.

Ano ang maximum bilang ng MB usage kada para sa UNLI data promo?
 
Ang maximum MB usage para sa UNLI data promo ay 800 MB kada araw.

Ano ang mangyayari kapag hindi ako naka-register sa kahit anong UNLI data promo at lumampas ako sa 800 MB limit?
 
Ang 800 MB limit ng Fair Use Policy ay hindi applicable sa iyo kapag hindi ka naka-register sa kahit anong Unli data promo, tulad ng KOLU50.

Ano ang mangyayari kapag lumampas ako ng 800 MB limit habang naka-register sa isang Unli data promo?
 
Kapag naka-register kayo sa isang Unli data promo tulad ng KOLU50, at lumampas kayo sa 800 MB limit ay hindi na po kayo makaka-access sa internet. Makakatanggap rin ng SMS notification na you have reached your data limit for the day.
 
Makaka-access uli ng internet pagpatak ng 12:01am sa susunod na araw, kapag valid pa ang iyong Unli data promo.

Paano ko malalaman kung lumampas na ako sa Fair Use limit?
 
Kapag umabot na ng 800 MB ang iyong internet usage, makakatanggap ka ng SMS notification na nagsasabing lumampas ka na sa Fair Use limit.